Facebook Share

Thread Rating:
  • 0 Vote(s) - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
MY BEST AND WORST SPACE (PAN)CAKE EXPERIENCE
#1
Last month, after ng drying at trimming ng tanim namin, naisip namin mag-process ng cannabutter.
So pinili namin 'yung fully riped na buds, saka 'yung maraming hash.
We processed it by a double boiler, 3 pieces, 5 inches sticky buds, para sa 2 blocks ng butter.
Cooked it, pina-lamig ng konti tapos strainer na.
Then naghanap ako ng easy-to-cook brownies, kaso wala ako nakuha kaya pancake na lang.
'Yung isang tropa ko ang nagluto habang naglaro kami nung ibang tropa ng NBA 2K13.
After mga dalawang game, naluto na 'yung space pancake.
E libang kami sa game kaya nung naluto 'yung pancake, hindi masyado napansin.
Nakapagluto ng 5 piraso, pinalamig muna namin habang tuloy-tuloy sa paglalaro.
After ng third game, rematch ulit pero tinikman na namin 'yung pancake, habang on-going 'yung game, sige lang ang subo ko ng pancake, then fourth game tapos fifth.
'Yung ibang tropa, nag-start na mag-prepare ng inuman, habang kaming 2 ng tropa ko e naglalaro at kumakain ng pancake.
After ng last game, marami na ako nakain, 2 malaking slab ng pancake.
Mabigat na ang pakiramdam ko pero naisip ko normal pa kasi ganito lang din naman nararamdaman ko 'pag nag-smoke.
Log-out sa game tapos shutdown ng pc.
Tumayo ako bigla sa kinauupuan ko tapos bigla akong parang nanghina, 'yung mga paa ko parang lumubog sa sahig tapos hindi na ako maka-galaw.
Pinipilit ko ng ibalanse ang sarili ko, nakaramdam ako ng konting takot na baka 'pag pinilit kong gumalaw, matumba ako.
Inalalayan ako ng tropa ko palabas ng bahay, paglabas sa pinto, binitawan na ako.
Mga limang hakbang lang ang layo ng inuman namin mula sa kinatatatyuan ko, pero sa tingin ko mga nasa isandaang metro kung pupuntahan ko.
Tinanong nila ako kung ok lang raw ako, sabi ko medyo hindi.
Ilan raw ba kasi ang nakain kong pancake dahil sa kasing laki lang ng kahon ng 2 posporo e solved na sila.
Nabigla ako at natakot, sabi ko naka-dalawang malaking slab ako.
At kung pwede nila akong tulungan maka-upo sa upuan sa pinag-iinuman nila.
Inalalayan nila ako hanggang maka-upo ako ng maayos.
Tuloy lang ang inuman habang kinakausap nila ako tungkol sa lagay ko.
Hindi ko na nagawang uminom at hindi ko na alam ang nararamdaman ko.
Ayokong maka-tulog at uuwi pa ako sa bahay, natatakot din ako pag-uwi dahil may dala akong motor.
Hindi ko na nga kayang humakbang, mag-motor pa kaya.
Hindi sila makapaniwala na kinaya ko 'yung 2 pancake.
Sabagay, nasa huli naman ang tama dahil sa digestion.
Naramdaman ko na parang natutunaw na ang mga paa ko, hindi ko na sila maramdaman pataas ng tuhod.
Sinabi ko sa tropa ang nararamdaman ko, natwa sila dahil pagtingin nila sa kanang paa ko ay hindi ito tumitigil sa pag-galaw, 'yung nagba-bounce ang tuhod na galaw 'pag walang magawa habang naka-upo.
Tapos unti-unting tumaas 'yung pakiramdam ko na parang natutunaw ako.
Medyo nag-panic ako at akala ko ay talagang natutunaw na ang katawan ko, humingi na ako ng tulong sa kanila.
Kinalma nila ako at mag-relax lang raw ako.
Nag-relax ako at medyo bumalik ng konti ang kamalayan ko.
Humingi ako ng malamig na tubig, 'yun na lang ininom ko.
Uminom ako, naubos ko 'yung 1 pitsel na tubig.
Bumalik na ang kamalayan ko pero nagsisimula na akong mahilo.
Umiikot na ang paligid ko, nagpahawak na ako at baka matumba ako sa kinauupuan ko.
Tapos bigla akong nakaramdam na nasusuka na ako.
nagpa-alalay ako sa pagtayo.
Sumuka ako ng marami, maraming-marami.
Maraming-maraming tubig.
Lahat ng nainom kong tubig, isinuka ko, medyo malamig pa nga.
Sumuka rin ako ng kulay puti, hindi ko na alam kung anu 'yun, pero sa tingin ko, parang oil sya.
Siguro 'yung sobrang cannabutter sa system ko.
Pagkatapos nun, nagpahinga ako ng mga tatlong minuto.
Bumalik na ang pakiramdam ko, nabawasan na ang pagkahilo ko.
Sinubukan kong maglakad, medyo kaya ko na.
Sakto, uwian na din kami.
Sumakay na ako sa motor ko, medyo mahirap magbalanse.
Tinitimbang ko ang sarili ko.
Nag-alok na rin 'yung ibang tropa na ihahatid na lang nila ako.
Nagpa-escort na lang ako pauwi.
Andar na ako, 2nd gear lang hanggang maka-uwi, iwas semplang.
Pumasok na ako sa bahay at nagpasalamat sa mga naghatid.
Diretso kama na ako, nakatulog agad ako.
Nagising ako late na, hindi ko man lang narinig ang alarm ko.
Pagmulat ko nahihilo pa rin ako.
Pumasok na ako sa trabaho, along the way, may konting mga hallucinations at double visions.
Bumaba tama ka mga tanghali na.
Foodtrip bogla, walang laman ang tyan ko.
Naisip ko ang mga nangyari.
Lesson learned.
Never again!
Never again, i will underestimate ang lakas ng THC 'pag nasa system mo na.
Walang tapon, absorb lahat ng katawan mo ang epekto at tama.
Next time, ample amounts muna tapos hintayin ko 'yung tama ng mga 10-15 minutes.
'Pag kaya pa, subo pa.
Heto po ang karanasan ko sa space cake, nawa'y may naibahagi akong konting aral at sana'y nagustuhan nyo po.
Salamat!
"Canna-hunting in lower asia."
Reply
#2
Grabe man, nakakatakot yung experience mo. Kung ako yun, bak panic to the max na 'ko, pero atleast alam mo na epekto ng edibles sa'yo. Sa lahat kasi, yung edibles ang pinaka-mahirap talaga tanchahin yung intake e. Buti na lang ok mga ka-tropa mo, inalalayan ka at hinatid sa bahay. Sana mabasa din ng members 'to para dagdag kaalaman sa kanila tungkol sa pag intake ng edibles. Good read 'to sir, salamat sa pag bahagi ng karanasan mo.
Reply
#3
Mej nakakanerbyos nga yun. Mahilig pa naman ako maghalo ng maraming amounts pag edibles pero sabi nga online, tikim ka muna konti konti hanggang sakto na yung amat sa'yo.

Pero at least alam mo na. Ganun pala tama pagnakarami Kala ko naman as in super stoned lang o kaya couch lock. Posible rin pala ang magsuka at mahilo.
Naglalakad ako ng nakangiti sabay may nakasalubong na kaibigan sabay sabi niya, "Baliw ka na, nakangiti ka magisa diyan na naglalakad, e."

Sabi ko, "Baka kayong lahat ang baliw, mga malungkot kayo maglakad, e."
Reply
#4
thanks sir..

iba talaga pag edibles, patience lang dapat..
"Canna-hunting in lower asia."
Reply
#5
thanks for sharing element.

I enjoyed reading about your space(pan)cake experience.
Smile
Hindi ako susuko!-ko--ko--ko...
Baket?!-ket--ket--ket...
Hindi ako si Diego!-go--go--go...
Reply
#6
Hi guys. Sorry for this stupid question pero i just want to make sure. Ask lang pag nagluto ba ng cannabis mangangamoy ba sa bahay? May friend kasi ako na nag-culinary but hindi siya sumisindi, balak ko sana paluto sa kanya hehehehe kaso baka kasi maamoy ng kapitbahay nila, para mka-try naman ako ng edible type.
Reply
#7
There's no such thing as a stupid question pare, okay nga yang may nagtatanong Para dagdag kaalaman Sa lahat.

Ok, regarding Yung tanong mo. Yup, most likely mangangamoy talaga pag niluto. Pero kapag may exhaust o NASA open area lulutuin, kahit pano mababawasan Yung amoy.

One important factor pala pag niluto, dapat tama Lang yung temp Para ma-activate Yung THC. Pag Hindi Kasi, its either Hindi activated Yung THC or na-vaporize na totally Sa cooking process.
Reply
#8
Quote:There's no such thing as a stupid question pare, okay nga yang may nagtatanong Para dagdag kaalaman Sa lahat.

Ok, regarding Yung tanong mo. Yup, most likely mangangamoy talaga pag niluto. Pero kapag may exhaust o NASA open area lulutuin, kahit pano mababawasan Yung amoy.

One important factor pala pag niluto, dapat tama Lang yung temp Para ma-activate Yung THC. Pag Hindi Kasi, its either Hindi activated Yung THC or na-vaporize na totally Sa cooking process.

Thanks tol sa info.

May iba ba paraan to consume it? Yung madali lang gawin and discreet?
Reply


Forum Jump:


Users browsing this thread: 1 Guest(s)